Mahilig kontrahin ng Administrasyong Duterte ang sarili nito.
Inihayag ito ni Senador Leila De Lima sa harap ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng batas militar kapag lumala ang problema sa iligal na droga sa bansa.
Ayon kay De Lima, madalas ipangalandakan at ipagyabang ng kasalukuyang administrasyon na nagiging matagumpay ang kampanya nila kontra illegal drugs, pero pinalulutang ngayon ng Pangulo ang posibilidad na magdeklara ng batas militar.
Nagtataka ang Senadora kung naging matagumpay ba ang paglaban sa iligal na droga o mas lumalala ang problema rito.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno