Muling nakatikim ng pagbatikos mula kay dating Pangulong Fidel Ramos ang Duterte administration.
Pinuna ni Ramos na tila patuloy ang pagkatalo ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy ni Ramos ang aniyay patuloy na pagkakahati-hati ng mga Pilipino sa napakaraming isyung bumabalot sa bansa.
Dahil aniya sa hati ang mga Pilipino, nababawasan ang potensyal ng bansa na maging competitive.
Matatandaan na sa unang isandaang (100) araw ng Duterte administration, pinuna ni Ramos na tila walang pang matagalang vision ang Pangulo para sa bansa.