Ikinaalarma ng Duterte administration ang sunud-sunod na pagpatay sa mga hinihinalang tulak at gumagamit ng iligal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang drug killings na kinasasangkutan ng mga pulis at gayundin ang posibleng summary executions sa mga drug suspects.
Sinabi ni Abella na nababahala ang administrasyon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay na suspek dahil maaaring indikasyon ito ng mas malalim na problema sa iligal na droga sa bansa.
Tinatayang nasa 40 drug suspects na ang napapatay simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: davaotoday.com