Nakikiisa ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga katoliko sa pag – oobserba sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon sa Pangulo, ang dasal ay nasasagot dahil hindi sumusuko ang mga deboto sa kanilang kahilingan, katulad ng ginagawa ng mga nakikiisa sa mga traslacion.
Sinabi ng Pangulong Duterte na nakikiisa ang kanyang administrasyon sa mga debotong nagsasakripisyo, sumasamba sa panginoon at kumikilala sa naging paghihirap nito para matubos ang sangkatauhan.
By: Katrina Valle / Aileen Taliping