Pasado ang Anim (6) na buwan ng Duterte Administration kay retired Archbishop Oscar Cruz.
Ito ay sa harap ng mga kontrobersiya at banat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kanyang kampanya kontra illegal na droga.
Sinabi sa DWIZ ni Archbishop Cruz na sa aspeto ng paglaban sa anti- graft and corruption ay sang-ayon siya sa ginagawa ng Pangulong Duterte.
Kabaligtaran aniya ito ng nakalipas na administrasyon na sa kabila ng mga puna ay mahirap alisin ang korapsiyon.
By: Aileen Taliping