Patungo na sa diktaturya ang kasalukuyang pamahalaan.
Ito’y ayon kay Senador Kiko Pangilinan ay kung hindi tututulan ng publiko ang ginagawang pananakot at pagpapakulong sa mga kritiko ng adminitrasyong Duterte.
Giit ni Pangilinan, sa halip na magpaliwanag ay pinipigilan lamang ng administrasyon ang pagkalkal sa sinasabing sabwatan ng Davao Group at ng isang sindikato sa pagpasok ng malaking halaga ng iligal na droga sa bansa.
Sinabi naman ni Senador Bam Aquino na malinaw nang isang political persecution ang ginagawa ng adminitrasyon laban sa oposisyon kung saan isinama bilang enemies of the state ng binuong grupo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga tinatawag nilang yellow-tard.