Gagastos ng walo (8) hanggang syam (9) na trilyong piso ang Duterte administration para sa infrastructure projects hanggang sa pagtatapos ng termino ng Pangulo.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, pawang ambisyosong infra projects ang ilalatag ng administrasyon tulad ng pagdudugtong sa Leyte at Mindanao.
Sa kauna-unahang pagkakataon anya sa kasaysayan ng bansa, 5.4 percent ng GDP o Gross Domestic Product ang inilaan nilang budget para sa infrastructure projects ngayong taon.
Inaasahang tataas ito ng 7.2 hanggang 7.4 percent ng GDP sa ika-anim na taon ng Duterte administration o katumbas ng hanggang 9 na trilyong piso.
Sinabi ni Diokno na hindi pa kasama mga nakalatag na proyektong pang imprastraktura ang mga proyekto mula sa Public Private Partnership.
By Len Aguirre