Posibleng ma – ‘contempt of court’ ang pamahalaan kung mabibigo itong tumalima sa ipinalabas na writ of kalikasan ng Korte Suprema sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Jay Batongbacal, Director ng University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, mahaharap sa kasong sibil o kriminal ang mga opisyal ng ehekutibo kung mabibigong ipatupad ang kautusan ng SC.
Posible rin itong magdulot ng legal at constitutional crisis kung magkakataon.
Kung mananatili pa rin ang gobyerno na walang aksyon sa presensya ng mga Chinese sa tatlong bahura na tinukoy sa SC order ay posible magpababa sa tingin ng taong bayan sa Duterte administration.