Wala umanong direksyon ang kampanya ng Administrasyong Duterte kontra iligal na droga.
Ayon kay Congressman Gary Alejano, ang tanging ginagawa lamang ng pamahalaan ay ang iadopt ang policy of exterminating o pagpatay sa mga drug addict.
Sinabi ni Alejano, hindi dapat magkaroon ng basta-basta pagpatay sa mga hinihinalang drug addict at mga drug lord.
Dapat aniyang masunod ang batas kung saan ang mga hinihinalang nasa likod ng mga krimen ay inaaresto, kinakasuhan, at pinagpapasyahan ng korte.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc