Nananatiling mataas ang public satisfaction rating ng Duterte administration sa kabila ng mga batikos sa kontrobersyal na anti-illegal drugs operations.
Batay sa Social Weather Stations o SWS survey na isinagawa noong Setyembre 23 hanggang 27 sa 1200 respondents, 77 percent ng mga Pilipino ang nananatiling kuntento sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Kumpara ito sa 84 percent satisfaction rating sa kaparehong panahon noong isang taon.
Lumabas din sa 2017 3rd quarter SWS survey na 14 percent ang hindi kuntento habang 9 percent ang may pag-aalinlangan.
Samantala, bumaba sa 61 percent ang satisfaction rating sa National Capital Region o NCR, balance sa Luzon habang walang pinagbago sa Visayas pero mataas sa Mindanao.
—-