Plano ng Duterte administration na bumili ng COVID-19 booster shots sa 2022 sa halagang P45 bilyon.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kung saan ang pondo ay nasa ilalim ng unprogrammed appropriations o nangangahulugan na popondohan lamang ito ng gobyerno kung mayruong mapagkukunan ng pondo para rito.
Una nang inihayag ni Roque na may garantya naman sa ilali ng 2022 budget ang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine booster shots.