Nakatutok sa mga magiging pamana ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino ang laman ng kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, target ng Duterte administration na maibaba sa 14% ang poverty rate sa bansa sa pagtatapos ng termino ng pangulo sa 2022.
Nais rin ng pangulo na maging upper middle class ang pamumuhay ng mga Pilipino sa susunod na tatlong taon sa pamamagitan ng mas pinasiglang ekonomiya ng bansa.
‘Yung Build, Build, Build na tutukan talaga ng administrasyong Duterte for the next 3 years para mayroong hard legacy na makikita ang mga kababayan natin. Pagkatapos ng termino ng presidente, titignan niyo ‘yung isang building, isang highway, skyway, ‘ah ‘yan ang project ni Presidente Duterte’. Titignan niyo ‘yung subway, ‘ah ‘yan ‘yung project ni Presidente Duterte’. Para kung sa gano’n ay ‘yung susunod na pangulo ay talagang ma-pressure sya dahil mataas na ‘yung bar,” ani Andanar.
Ratsada Balita Interview