Tiwala ang Duterte Administration na kayang-kayang lumaban at bumangon ng ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pagbubukas ng human development and poverty reduction and participatory governance cluster forum.
Sinabi ni Nograles na nakikita nila ang positibong repormang pinansyal at maayos na pangangasiwa sa ekonomiya ng administrasyon bago pa man manalasa ang pandemya na isang malaking dahilan kaya’t isa ang Pilipinas sa pinakamalakas, pinakamatibay at pinagkakatiwalaang ekonomiya sa rehiyon.
Patunay dito aniya ang pagtaas sa 4.4% ng koleksyon n Bureau of Customs.