Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hirap siyang pumili ng bagong Philippine National Police (PNP) Chief.
Ayon sa pangulo, hirap siyang makahanap ng tamang pulis na akma sa nasabing puwesto at katapatan o ‘honesty’ ang pangunahing ikinokonsidera niya sa pagpili ng bagong pinuno ng PNP.
Sinabi pa ng pangulo na hindi naman ‘messy’ ang PNP subalit talagang mahirap pumili ng kapalit ni dating PNP Chief Oscar Albayalde.
Magugunitang pinagpipilian ng pangulo para maging susunod na PNP Chief sina Lt. Gen. Archie Gamboa (na ngayo’y officer-in-charge ng PNP), Lt. Gen. Camilo Cascolan at Major General Guillermo Eleazar. — ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)