Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na malabong masawata nang tuluyan ang hazing sa kulutura ng mga fraternities.
Ito ang naging pahayag ng Pangulo kasunod na rin ng panibagong kaso ng pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) dahil sa hazing.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahirap na matanggal ang mga mararahas na paraan ng initiation rites hangga’t hindi ganap na naipagbabawal ang mga fraternity at gawing krimen ang pagsali dito.
Paglilinaw pa ng Pangulo, mahigpit niyang tinututulan ang hazing dahil mismong siya ay nakaranas nito kung saan 3 araw siyang na-ospital noon.
Samantala, tumanggi munang magkomento si Pangulong Duterte sa kaso ni PMA cadet 4th class Darwin Dormitorio hangga’t hindi pa naibibigay sa kanyang ang pinal na resulta ng imbestigasyon.