Inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagka-bahala sa posibilidad na maapektuhan ang nasa 2,000 Pilipino sa Iceland.
Ito, ayon sa pangulo, ay sakaling putulin ng Pilipinas ang diplomatic relations sa Iceland dahil sa hirit ng huli sa United National Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ng gobyerno.
Sinabi ng pangulo na maaaring hindi magustuhan ng Iceland ang gagawin ng Pilipinas.
Subalit ayon sa pangulo, hindi niya palalampasin ang aniya’y tahasang pakikialam ng Iceland sa panloob na usapin ng Pilipinas.
Palaisipan din aniya sa kaniya ang patuloy na pagrereklamo ng Iceland sa extra-judicial killings sa Pilipinas .
Binigyang diin ng pangulo na walang problema ang Iceland dahil hindi naman ito nakakaranas ng full night darkness kaya’t walang krimen sa mga lansangan nito.