Maghaharap ngayon sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing, China.
Inaasahang bubuksan ng pangulo kay President Xi ang arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas sa pag-angkin sa mga teritoryo sa South China Sea.
Plano rin umanong talakayin ng dalawang lider ang code of conduct at oil and gas exploration sa West Philipine Sea sa hatiang 60-40, pabor sa Pilipinas.
Isang state banquet ang nag-aantay naman sa pangulo pagkatapos ng bilateral meeting nito kay President Xi.
Samantala, nakatakda ring makipagpulong ang pangulo kay Chinese Premier Li Keqiang bukas ng hapon bago dumalo sa opening ceremony ng FIBA Basketball World Cup dakong gabi.
Lilipad naman ang pangulo patungong Foshan, Guangdong Province sa Sabado para panoorin ang laban ng Gilas Pilipinas kontra sa Italy.