Naging cordial at madiplomasya ang naging pag uusap nina Pangulong Rodrigo Duterete at Chinese President Xi Jinping sa usapin ng arbitral ruling.
Ipinabatid ito ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana sa paghaharap ng dalawang lider sa isang bilateral meeting.
Ayon pa kay Sta. Romana honest at direct discussion ang itinakbo ng pagkikita Xi at ng Pangulong Duterte subalit walang kategoryang burning bridges.
Hindi aniya confrontal ang pagtalakay ng dalawang lider sa usapin ng arbitral ruling at sa halip ay maayos ang naging pagpapaliwanag ng Pangulo sa posisyon nito sa West Philippine Sea.
Binigyang diin ni Sta. Romana na pakay ng Pangulo na “to build and not to burn bridges” sa harap ng pagnanais din naman ng Pangulo na unawain ang side o posisyon ng China tungkol sa pinag-aagawang teritoryo.