Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nais magbigay ng donasyon na i-deretso na lamang ang kanilang tulong sa mga ospital.
Ayon kay Pangulong Duterte ayaw niyang humawak ng pera dahil ayaw niyang magkwenta.
Ang iba kasi aniya na nagdo-donate ay dinadala sa kaniya ang pera para nga naman umano malaman ng presidente na sila ay tumulong.
I am telling you, we are doing everything honestly. Hindi kami humahawak ng pera. Maraming mga milyonaryo, nagpunta, nagsabing magbibigay ng pera, ipapadaan sa… alam mo na, para malaman ng presidente talagang nagbigay sila,” ani Duterte.
Sinabi pa ng pangulo na nais niya ring iwasan kung sakali na singilin siya balang araw kung saan napunta ang perang donasyon.
‘Pag siningil ka balang-araw, nasaan ‘yung ano, ayaw ko ng ganoon. Gusto ko wala, para pagdating ng panahon sabihin ko ano, anong ‘kyah-kyah’ mo diyan, ano bang hinawakan ko,” ani Duterte.