Balik bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang halos isang linggong pagbisita sa Israel at Jordan.
Sa kanyang pagdating sa Davao City, ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga accomplishment sa pagbisita sa mga nasabing bansa. Kabilang dito aniya ang mga programang magbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino.
The government will continue to do its part to ensure that the rights of our nationals working abroad are protected. We also conducted a government to government and business to business sector agreements. Investments generated our value at over 140 million dollars and expected to generate over 1,200 new jobs.
Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga gobyerno ng Israel at Jordan sa nasabing makasaysayang pagbisita niya.
Allow me again to express my gratitude to the government of Israel and Jordan. We assure you that the Philippines is indeed a friend to all and an enemy to no one.
Calida, itinurong nasa likod ng pagbawi ng amnesty ni Trillanes
Samantala, itinuro ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida na nasa likod nang ipinalabas niyang proklamasyon para bawiin ang amnesty ni Senador Antonio Trillanes.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi niya matatanggihan kung anuman ang irekomenda ni Calida bilang government agency hindi lamang sa kaso ni Trillanes kundi maging sa usapin sa pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
‘Yung kay Trillanes, ang totoo niyan ang nagresearch ay si Calida. Kapag sinabi ng SolGen na may mali and this has to be corrected, I cannot refuse. He is the government lawyer. I cannot insist on the view of fact that it was already recorded as a public document. So kung ano ang sinabi niya roon, ‘yun ang paniwalaan ko. In the matter of granting pardon, it’s a Constitutional mandate of the president. It cannot be delegated to anybody else.
Gayunman, muling pinanindigan ng Pangulo na tatalima ito sa magiging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kaso ng opposition senator.
If the Supreme Court will say that my declaration is null and void then let it fall. I’m just sticking to what is right and constitutional.
Kinuwestiyon din ni Pangulong Duterte ang naging ambag ni Trillanes para sa kapakanan ng kasundaluhan sa bansa, tulad ng pagpapataas ng suweldo ng militar.
I hope that it would not go to this far. It was Trillanes pretending a crusading soldier but as a matter of fact wala rin naman silang ginawa. Andiyan si Trillanes, nagkaroon ba ng increase sa suweldo sa militar? Itong si Trillanes, sundalo. Ako nagkampanya sa mga sundalo, I will double your salary. Ginawa ko talaga ‘yan.
Kampo ni Trillanes, iginiit na dapat sibakin na ng Pangulo si Calida
Nananawagan si Atty. Reynaldo Robles, legal counsel ni Sen. Trillanes kay Pangulong Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida dahil sa maling impormasyon na ibinigay nito hinggil sa amnestiya ng senador.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Robles na tila ‘isinubo’ ng Solicitor General ang Punong Ehekutibo sa ginawa nitong pagsasaliksik na pawang kasinungalingan lamang at walang basehan.
Siguro dapat sibakin na ng Pangulo itong si SolGen Calida dahil hindi totoo ang mga akusasyon nito. Apparently, isinubo ni Calida si Pres. Duterte na pirmahan ang dokumento na puro kasinungalingan ang laman.
Sa huli, sinabi ni Robles na ang batas pa rin ang mananaig at pinanindigan na hindi puwedeng arestuhin basta-basta ang senador.
Balak ng admin na illegally arestuhin si Trillanes. Hindi po puwede ‘yan, ang mananaig ay ang batas. Delikado kasi si Sen. Trillanes ay isang sitting senator. Meron itong impact sa rule of law.