Balik Davao muna si Partido Demokratiko Pilipino o PDP Laban standard bearer at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito’y makaraang hindi makadalo ang alkalde sa isang convention ng mga doktor kahapon matapos magreklamo ito ng matinding pananakit ng ulo dulot ng migraine.
Ayon kay Lito Bayano, Political Adviser ni Duterte, umuwi sa davao ang alkalde alas-9:00 kagabi sakay ng isang Philippine Airlines flight.
Kasunod nito, mariing itinanggi ni Banayo na isinugod sa ospital si Mayor Duterte dahil scheduled aniya ang naturang flight.
Sa isa pang pahayag, sinabi naman ng tagapagsalita ni Duterte na si Peter Lavinia na pinayuhan si Mayor Digong ng kanyang mga doktor na magpahinga muna kaya’t hindi ito makakasama sa kanilang mga aktibidad ngayong araw.
By Jaymark Dagala