Inaasahang makababalik na ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw o bukas, Martes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sandali lamang si Pangulong Duterte sa Davao City dahil kinakailangan nitong dumalo sa nakatakdang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) bukas.
Iginiit naman ni Roque na hindi lamang personal ang dahilan ng pag-uwi ng Pangulo sa Davao City.
Bagkus, aniya ay upang makita rin nito ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa taumbayan lalo na sa mga nakatira sa labas ng Metro Manila at Luzon.
Magugunitang noong Sabado, kinumpirma ni Presidential Security Group Commander Col. Jesus Durante ang pag-uwi ng Pangulo sa kanyang tahanan sa Davao City kasama si Senador Christopher Bong Go.
Kasabay ito ng unang araw ng pagsasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ng Metro Manila at general community quarantine (GCQ) sa Davao City.