Ipinagdiinan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mahalagang maipasa ang BBL o Bangsamoro Basic Law upang matapos na ang problema sa Mindanao.
Tinukoy ni Duterte si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim na maaaring manguna sa pakikidigma laban sa gobyerno sakaling hindi lumusot ang BBL.
Subalit, una nang sinabi ni Murad na kailanman ay hindi nila ikokonsidera pag-aklas kahit pa hindi naipasa ang proposed Bangsamoro Bill.
Aniya, hindi lang niya maipapangako na makokontrol niya ang bugso ng damdamin ng ibang paksiyon ng MILF.
Ayon naman kay Duterte, sakaling hindi lumusot ang BBL ay kakausapin niya sina Murad at MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar at iba pang Moro leaders na ikonsidera muna ang Federalism upang hindi mag-aklas ang mga ito.
By Jelbert Perdez