Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na pamahalaan kaugnay sa paglalabas ng mga kinakailangang o hinihinging dokumento o papeles.
Ayon sa pangulo, dapat ay mailabas sa loob ng tatlong araw ang mga dokumentong hinihingi sa mga lokal na pamahalaan.
Giit ng pangulo, kung mabibigo ang mga ito na ilabas sa loob ng tatlong araw ang mga papeles masasampahan ng kaso ang kinauukulan o matatanggal ito sa kaniyang pwesto.
Tinawagang-pansin din ng pangulo ang mga korte na agad sampahan ng kaso ang mga local officials na hindi makasusunod sa nasabing utos.