Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario kaugnay sa pag gamit nito ng diplomatic passport nuong magtungo sa Hong Kong.
Matatandaang pinigil si Del Rosario sa kanyang pagpasok sa Hong Kong at pinabalik din ito bansa.
Ayon sa pangulo, walang karapatan si Del Rosario na gumamit ng diplomatic passport dahil hindi na siya empleyado ng gobyerno.
Una nang sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, na hindi official mission ang pagtungo ni Del Rosario sa sa naturang bansa kaya may karapatan ang Hong Kong authorities na harangin ang dating opisyal.