Binigyan pa ng pagkakataon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Immigration Commissioner Jaime Morente na linisin ang hinahawakan nitong ahensiya.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa harap ng mga isinasagawang imbestigasyon hinggil sa tinaguriang “pastillas scheme” sa Bureau of Iimmigration (BI).
Ayon kay Panelo, dumalo sa cabinet meeting sa Malacañang si Morente noong Lunes ng gabi at inuulat nito ang ginagawang hakbang ng BI para matugunan ang mga umano’y ilegal na gawain sa ahensiya.
Sinabi ni Panelo, binigyan pa ng tsansa ng pangulo si Morente para magpatupad ng mga pagbabago sa loob ng BI.
Magugunitang sinibak ni Pangulong Duterte sa puwesto ang nasa 19 na mga opisyal ng BI na sinasabing sangkot sa “pastillas scheme” at inilagay sa “floating status”.