Pabirong tinanong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Cayetano kung kailan matatapos ang kanilang dynastiya sa Taguig City.
Ginawa ito ng pangulo sa kanyang pagbati sa mga lokal na opisyal ng Taguig City kabilang si House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang talumpati sa pagpapasinaya ng 911 TESDA.
Kasunod nito, binanggit din ng pangulo ang pamumuno ng kanyang mga anak sa Davao City tulad nina Mayor Sara Duterte Carpio at Vice Mayor Baste Duterte.
Ayon kay Pangulong Duterte, walang problema sa kanya ang dalawang anak maliban sa panganay na si Davao City Representative Paolo Duterte.