Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasugatan sa mga insidente ng pagsabog sa Cotabato City.
Kasama ni Pangulong Duterte na nagtungo ng Camp Siongco Station Hospital sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao si dating special assistant to the president at ngayo’y Senador Christopher ‘Bong’ Go.
Kasabay nito, personal na pinagkalooban ng tulong si Pangulong Duterte sa mga sundalo at sibilyan na nasugatan sa magkakasunod na pagsabog.
Pinarangalan din ng pangulo ng ‘Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan’ ang apat na sundalong nasugatan sa pagsabog sa Cotabato na sina Sergeant Ariel Joaquin, Corporal Genesis Mansalon, Private First Class Cris John Figueroa at Private Ian Villaruel.
Gayundin ang mga sundalong sina Corporal Alexander Flauta at Corporal Alvin Samama na nasugatan naman sa engkuwentro sa teroristang grupo sa Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao noong Nobyembre 28.
Tinungo rin ni Pangulong Duterte ang mga sundalong naka-confine naman sa Cotabato Regional and Medical Center.