Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang sundalong nakipag-sagupaan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Sulu, kahapon.
Ayon kay Maj. Gen. Arnel dela Vega, commander ng AFP-Western Mindanao Command, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang mga kawal para sa kanilang hindi matatawarang katapangan at serbisyo sa bayan.
Ginawaran din ng Pangulo ng wounded personnel medal ang dalawampu’t isang miyembro ng Philippine Army sa General Bautista Trauma Hospital sa Bus-Bus, Jolo.
Agosto 23 nang maka-engkwentro ng 41st infantry battalion ang mga bandido sa Barangay Langhub, sa bayan ng Patikul.