Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima ng tumaob na tatlong bangka sa Iloilo-Guimaras Strait.
Kahapon, nagtungo si Pangulong Duterte sa isang funeral home sa Iloilo City para bisitahin ang burol ng 13 sa mga naging biktima ng trahediya.
Batay sa ipinalabas na larawan ng Presidential Communications Office, kasama ng pangulo sa kanyang pagtungo ng Iloilo si Senator Christopher ‘Bong’ Go.
Samantala, nakansela naman ang planong pagtungo ni Pangulong Duterte sa Guimaras para bisitahin din ang burol ng ilan pang mga nabiktima ng trahedya bunsod ng sama ng panahon.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, dalawang beses sinubukan ng pangulo na magtungo ng Guimaras sakay ang helicopter.
Dahil nito, tanging ang kalihim na lamang ang nagpaabot ng cash at ibang tulong sa mga kaanak ng mga nasawi.