Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Dating Pangulong Noynoy Aquino at Dating PNP Chief Alan Purisima sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force o SAF sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kasama niya si Aquino at ilang cabinet members nito sa isang silid sa isang lugar sa Zamboanga City noong maganap ang mamasapano encounter.
“This happened during your time and there were a lot of investigations when the lower house of congress the senate pati sainyo, opisina ninyo but all of these investigations are fortunately left a void.”
Nagtataka si Duterte kung bakit hindi ginamit ang Philippine Army sa nasabing operasyon at sa halip, ang SAF ang pinadala roon na hindi sanay sa terrain sa Mamasapano.
“Bakit pinadala ang SAF? The SAF is geared, organized and geared into the service to wait the challenges of urban terrorism. Urban is urban, dito lang yan sa syudad but maybe on special occasions sent to augment the Arm Forces of the Philippines. Yung terrain doon hindi alam ng pulis.”
Mistulang kinompronta rin ng Pangulo si Aquino kung bakit itinago ang katotohanang operasyon ito ng CIA o Central Intelligence Agency laban kay Zulkifli Bin Hir alyas Marwan.
PAKINGGAN: Pahayag ni President Rodrigo Duterte
Sinisisi rin ng Presidente si Dating Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles dahil sa pagpigil nito na makialam ang AFP sa operasyon dahil baka umano magalit ang mga lider ng MILF o Moro Islamic Liberation Front.
“Si Deles, I do not want to, you know the labor, ikaw yung peace negotiator, ang para sa aking ikaw yung nag pigil kay Pinoy na wag because war will breakout, because then you have violated the agreement that you should not enter MILF territory.”
By: Meann Tanbio / Race Perez