Biyaheng Brunei at China si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, layon ng naturang state visits ang pagtibayin ang relasyon ng Pilipinas sa naturang mga bansa.
Nakatakdang tumulak ang Pangulong Duterte para sa biyahe nito sa Brunei sa Oktubre 16 na tatagal hanggang Oktubre 18.
Dito inaasahan ang bilateral talks sa pagitan ng Pangulong Duterte at Brunei Sultan Haji Hassanal Bolkiah.
Nakatakda ring makipagkita ang Pangulong Duterte sa Filipino community sa Brunei.
Mula Brunei, diretso naman ang Pangulo sa China para inaasahang pakikipagpulong nito kay Chinese President Xi Jin Ping.
Sinabi ni Jose na posibleng matalakay sa pulong ang isyu sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Oktubre 21 pa babalik sa bansa ang Pangulong Duterte.
Bahagi ng pahayag ni DFA Spokesman Charles Jose
By Ralph Obina
Photo Credit: AP