Biyaheng Tokyo, Japan na si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon.
Ito ay para dumalo sa 25th Nikkei International Conference – Future of Asia.
Kasama ni Pangulong Duterte sa biyahe ang karamihan sa kanyang mga economic managers na inaasahang manghihikayat sa mga negosyante na mamuhunan sa bansa.
Kabilang din sa labinganim 916) na delegasyon ni Pangulong Duterte ang ilan sa kanyang gabinete tulad nina Foreign Affairs Secreatry Teodoro Locsin, Finance Secretary Carlos Dominguez, Agriculture Secretary Manny Piñol, Cabinet Secretary Karlo Nograles at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Kaugnay nito, itinalaga naman bilang OIC o tagapagpangalaga ng bansa si Justice Secretary Menardo Guevarra habang nasa Japan si Pangulong Duterte.
Hindi naman nagpaliwanag ang Malakanyang sa pagtatalaga kay Guevarra bilang caretaker ng bansa gayung nasa bansa rin si Executive Secretary Salvador Medialdea na karaniwang tumatayong OIC.
with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)