Inaasahang tutulak patungong Bangkok, Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyang delegasyon ngayong araw.
Ito ay upang makibahagi sa ika-34 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na pangungunahan ng Thailand.
Inaasahang unang dadaluhan ni Pangulong Duterte ang ASEAN leaders’ interface with representative of ASEAN inter parliamentary assembly bukas ng umaga.
Susundan naman ito ng maagang pulong kasama ang mga pinuno ng mga malalaking business groups sa Thailand.
Sa Sabado, nakatakda namang daluhan ni Pangulong Duterte ang isang gala dinner para sa lahat ng mga lider na dumalo sa 34th ASEAN Summit.
Habang sa Linggo, nakatakda naman ang ASEAN leader’s retreat at ika-13 Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN growth area.
Posible ring magkaroon ng bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha.