Bubuo ng isang interagency committee si Pangulong Rodrigo Duterte na magsusuri sa inventory ng mga exceptions sa Freedom of Information (FOI).
Batay sa ipinalabas na memorandum circular ng pangulo, inaatasan ang komiteng mabubuo na i-update ang listaha ng FOI exceptions upang matiyak na hindi malalabag ang mga kasalukuyang batas at jurisprudence.
Magsisilbi namang chairperson ng interagency committee ang Department of Justice (DOJ) at ang Office of the Solicitor General (OSG) habang magiging miyembro naman ang Presidential Communication Operations Office (PCOO), Office of the Government Corporate Council (OGCC) at National Privacy Commission (NPC).
Magugunitang nuong Hulyo 2016, nilagdaan ng pangulo ang Executive Order No. 2 o ang FOI na nagbibigay ng full public disclosure sa lahat ng transaksyon ng gobyerno sa sangay ng ehekutibo.