Bukas si Pangulong Duterte sa mungkahi ng China na magsagawa ng joint investigation kaugnay ng nangyaring pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kanila na lamang hinihintay ang pormal na pakikipag-ugnayan ng Chinese embassy sa Malacañang.
Dagdag ni Panelo, pabor din si Pangulong Duterte sa agarang pagkakalutas sa kaso.
Una nang hiniling ng Chinese embassy na magkaroon ng isang joint investigation para sa agarang pagresolba ng kaso sa pamamagitan ng friendly consultations.
Joint investigation sa ‘Recto Bank incident’ iminungkahi ng China
Iminungkahi ng China ang isang joint investigation kasama ang pamahalaan ng Pilipinas kaugnay ng insidente ng banggaan ng dalawang bangka sa Reed Bank o Recto Bank.
Ayon kay Chinese foreign ministry spokesman Lu Kang, kinakailangan ang isang joint investigastion para makahanap ng nararapat na solusyon sa pangyayari.
Makabubuti aniyang ngayon pa lamang ay makapagpalitan na ng paunang resulta ng imbestigasyon ang dalawang panig para mahawakan ng tama ang kaso sa pamamagitan ng maayos na konsultasyon sa isa’t isa.
Ipinalabas ng China ang pahayag matapos nitong tawaging iresponsable at nakakagulo sa sitwasyon ang anila’y political interpretations at mga batikos sa Recto Bank incident.