Malaki umano ang tyansa na paboran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong extension ng martial law sa Mindanao dahil sa mga nagaganap na karahasan sa rehiyon.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kasunod ng pahayag ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na irerekomenda niya sa pangulo ang pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Panelo, ibinabatay ng pangulo ang kaniyang desisyon base sa mga sinasabi ng tao na mas higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon sa isang lugar lalo’t kung ito ay makakabuti sa nakararami.
Irerekomenda rin ni Esperon kay Pangulong Duterte na alisin ang martial law sa Davao City at ilan pang lugar sa Mindanao na hindi na peligro sa anumang banta ng terorismo.