Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang palitan ang pangalan ng Mactan-Cebu Internartional Aiport at gawing Lapu-Lapu International Airport.
Ito ay bilang pagbibibigay pugay sa aniya’y kauna-unahang bayani na nagmula sa Visayas na si Datu Lapu-Lapu.
Una nang nagpahayag ng kalungkutan si Pangulong Duterte sa tila paglimot na ng mga Filipino sa nagawa ni Lapu-Lapu para sa bansa at pagpapangalan lamang dito sa isang isda.
Samantala, sinabi ni National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Rene Escalante na sinusuportahan ng ahensiya ang planong pagpapalit sa pangalan ng Mactan Airport bilang pagbibigay alaala kay Lapu-Lapu.