Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng isang estudyante ng University of the Philippines (UP) na isinasangkot sa umano’y isang hazing incident.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, nagpadala ng mga bulaklak at personal na kinausap ni Pangulong Duterte ang pamilya ng nasawing estudyante.
Tumagal aniya ng halos isang oras ang naging pakikipag-usap ni Pangulong Duterte sa mga magulang ng estudyante sa isang pribadong kuwarto.
Batay sa ulat, miyembro ng Sigma Rho Fraternity ang 22-anyos na UP student na natagpuang patay sa kanilang tahanan sa Marikina City noong Sabado.
Kasalukuyan ding iniimbestigahan ng pulisya ang nabanggit na fraternity matapos kumalat sa social media ang ilang larawan at screenshots ng group chat ng mga sinasabing miyembro nito kaugnay ng insidenteng may kinalaman sa hazing.