Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang buong pagsuporta sa LGBTQ community kasunod ng naging kinaharap na isyu ni Gretchen Diez ang transgender na binawalan na gumamit ng palikuran ng mga kababaihan.
Ginawa ito ng Pangulo sa kanyang naging pagpupulong kasama si Diez, Senator Christopher Bong Go, Bataan First District Rep. Geraldine Ramos at iba pang kinatawan ng LGBTQ community sa Malakanyang kagabi.
Ayon kay Duterte, makikipag tulungan ang palasyo sa dalawang kapulungan ng kongreso para maipasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill para maprotektahan ang mga miyembro ng third sex laban sa diskriminasyon.
Binaggit ni Go na kabilang sa mga panukalang napag-usapan sa meeting ay ang posibilidad na pagbuo ng isang komisyon para sa LGBTQ.
Binigyang diin ni Go na lahat ng mamamayan ay pantay sa ilalim ng batas at obligasyon ng estado na lahat ng Pilipino kahit pa ano ang edad, relihiyon at gender orientation ay tratuhing pantay at makatwiran.