Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga namamahagi ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan na sa mga asawang babae, ibigay ang ayuda at ‘wag sa mga lalaki.
Sa televised address ng pangulo, iginiit nito na dapat maging matalino at mapanuri ang mga namamahagi ng tulong pinansyal.
Imbes na sa mga kalalakihan aniya na gagamitin lamang ang pera sa bisyo, sa mga asawang babae na lamang ito ibigay.
Ito’y kasunod ng kaliwa’t-kanang reklamo na ipinang-susugal o kaya’t pinang-iinom lamang ng mga padre de pamilya ang perang natatanggap nito mula sa emergency cash subsidy program ng pamahalaan.