Huwag tayong mag-over promise.
Ito, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano ang direktiba ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang team ngayong magsisimula na sila ngayong linggong ito na dumalo sa mga town hall meetings at mga pribadong pakikipagpulong tulad sa mga mai-impluwensyang lider ng lipunan.
Sinabi ni Cayetano na testing the water ang kanilang gagawin kung saan direkta nilang idudulog sa tao ang kanilang mga plataporma de gobierno.
Giit ni Cayetano, ang adbentahe ni Duterte sa ibang presidentiables, naniniwala ang publiko na kayang gawin ang mga sinasabi at ipinapangako nito.
Tagubilin aniya ng alkalde, huwag silang mag-over promise o mangako ng sobra-sobra.
Sa halip, tiyaking tangi nilang ipapangako ay mga kayang gawin tulad ng paglutas sa problema sa peace and order nang naayon sa batas at sa pamamagitan ng kamay na bakal at political will.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)