Walang opisyal na senatorial slate ang partido ni Davao City Mayor at presidential aspirant Rodrigo Duterte.
Ito ang nilinaw ngayon ni dating North Cotabato Governor at kilalang supporter ni Duterte na si Manny Piñol sa harap ng pagmamaktol ng ilang senatoriable gaya ni Sandra Cam na naitsapwersa sila sa proclamation rally ng partido ni Duterte.
Ito ay matapos ipagbawal umano ng katandem ni Duterte na si Senador Alan Peter Cayetano ang pag-akyat nila sa entablado.
Giit ni Piñol na maginoo lamang si Duterte kayat di nito mahindian ang mga nais sumabit sa kanilang kampanya.
“Sumasama lang naman sila, syempre alam mo naman si Rudy gentleman, puwede bang sabihin ni Duterte na huwag kang lumapit dito? Wala naming sinabi si Duterte na ito yung line up ko, pag sumama ka sa kampanya niya, i-eendorse ka niya, I know only a few guys that Duterte is openly endorsing, but there is no official line up, because if you will talk about official line up you’ll have to understand that this is the candidates of PDP-Laban.” Ani Piñol.
Nanawagan naman si Piñol sa mga umano’y “sumasabit” na kandidato na huwag naman sanang sirain ang kampanya ni Duterte.
“Hindi naman tayo magkakasundo, magkakaiba ang ating pananaw but what we feel what are views are, are inconsequential, in relation to our desire to make Duterte the next President of this country.” Pahayag ni Piñol.
By Ralph Obina | Karambola