Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalagang kapitbahay at kaibigan ng Pilipinas ang China.
Ito ang inihayag ng pangulo sa kaniyang sulat para kay Chinese President Xi Jinping kasabay ng pagdiriwang ng 45 taong relasyon ng China at Pilipinas.
Tiniyak din ng pangulo sa liham na gagawin ng bansa ang bahagi nito para mas lalong tumibay pa ang relasyon sa China.
Aniya, mahalagang mas maging maigting ang relasyon ng China at Pilipinas lalo ngayong panahon na ito na mayroong kinakaharap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Magugunitang ilang beses nagpasalamat ang pangulo sa lider ng China para sa mga tulong nito sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.