Umakyat na sa 24 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong nagpositibo sa corona virus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inanunsyo mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanilang pulong kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases, mga resource persons at local chief executives sa Malakanyang.
Ayon kay Pangulong Duterte, ngamula sa San Juan City, Project 6 sa Quezon City at Sta. Maria, Bulacan ang bagong apat na kaso.
Gayunman, tiwala si Pangulong Duterte na kayang malagpasan ng Pilipinas at ng buong mundo ang nabanggit na virus na tulad ng mga nauna kumalat na nakahahawang sakit.
Tiniyak din ng pangulo na sapat ang pondo ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19.
24 lahat as of last count but the infection the transmission is going on kasi may bago nadagdagan so that is how bad it is I sure you we have the money and we can defeat na virus na yan san ba nakatira yan we can defeat it, This is not the first time that… Ani Duterte