Nakatakdang dumalo si President-elect Rodrigo Duterte sa isang pribadong thanksgiving party na gaganapin sa Cebu City.
Kaugnay nito pinaunahan na ni Bong Go, executive assitant ni Duterte ang mga taga-media na wala pa ring pahihintulutan na mag-cover sa naturang event.
Una nang umalat ang pakikitungo ng bagong pangulo sa media matapos na umani ng pagbatikos ang naging pahayag nito kaugnay sa mga taga-media na napapatay dahil sa pagiging corrupt.
By Rianne Briones