Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na dapat na maging patas ang pagtrato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sa Philippine Online Gaming Operation (POGO) sa bansa.
Ayon kay Hontiveros, hindi maaaring matigas ang pangulo pagdating sa pagdedesisyon sa PCSO ngunit hindi naman makapanindigan sa POGO.
Aniya, dapat na linawin ng pangulo ang kaniyang direktiba lalo na sa POGO matapos ang napakalaking hakbang na ginawa nito sa PCSO.
Umaasa rin umano si Hontiveros na hindi lang diversionary tactic ang pagpapasara ng mga PCSO gaming activity sa ginawa nitong pag-veto sa Security of Tenure bill.