Dapat maging transparent si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinapasok na international trade deal ng Pilipinas lalo sa China.
Ito ang inihayag ni Senador Richard “Dick” Gordon matapos aminin ni Pangulong Duterte na nagbanta ng digmaan si Chinese President Xi Jinping kung igigiit ang arbitration ruling hinggil sa maritime dispute sa Spratly Islands na pumapabor sa Pilipinas.
Ayon kay Gordon, tila hawak sa leeg ng Tsina ang Pilipinas dahil sa ipinautang nitong bilyun-bilyong pisong proyekto kaya’t malakas ang loob ni Xi na magbanta ng digmaan.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senador Richard “Dick” Gordon
Maaari anyang idulog ng Pilipinas sa UN ang naging banta ng China kung totoo ang sinabi ni Xi kay Pangulong Duterte.
Gayunman, inihayag ng senador na pinaka-maigi pa ring palakasin ang pwersang militar ng Pilipinas at iwasang matakot o magpadala sa mga banta ng Tsina.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senador Richard “Dick” Gordon, sa panayam ng DWIZ
By Drew Nacino | Karambola Program (Interview)