Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na dapat ay maging mapagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang nagbibigay sa Pilipinas ng ayuda, sa halip na magpakita ng galit at pagiging arogante.
Reaksyon ito ni Trillanes sa naging pasya ng Pangulo na tanggihan na ang ibinibigay na foreign aid ng European Union o EU sa bansa kasunod ng pagbatikos nito sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Iginit ni Trillanes na isa na naman itong walang ingat o walang pakundangang pasya ng Pangulo.
Idinagdag pa ng senador na sa halip na magalit, dapat magpasalamat at matuwa ang Pangulo na may mga bansang nagbibigay ng ayuda sa Pilipinas para makatulong sa mga naghihirap na Pilipino.
By Meann Tanbio | With Report from Cely Bueno