Hindi malabong pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Candon City Bypass Road sa Ilocos Sur, nilinaw ng pangulo na hindi bahagi ng kaniyang adbokasiya ang magpatupad ng martial law.
Ngunit aniya kung ito ang hinihiling ng sitwasyon para maprotektahan ang interes ng mga Pilipino sa Mindanao ay hindi siya magdadalawang isip na aprubahan ito.
But if the local government units, the governors, mayors and even congressmen, would find it that it would be to the best interest of the Filipino in Mindanao, I would not hesitate to say yes,” ani Duterte.